Tumatangkilik sa libreng sakay ng Pasig River Ferry Service, tumaas kumpara sa nakaraang taon ayon sa MMDA

Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas marami ang tumatangkilik at sumasakay sa Pasig River Ferry Service ngayong taon kumpara sa nagdaang taon dahil na rin sa pagtanggap ng publiko rito bilang alternatibong paraan ng transportasyon sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA, mula noong Enero 2022 hanggang nitong Setyembre ay tuloy-tuloy ang pagtaas ng bilang ng ridership o ang mga sumasakay sa ferry dahil bukod sa iwas-traffic na, libre pa ang pamasahe!

Hinikayat ng MMDA ang publiko na simulan nang sumakay sa Pasig River Ferry Service sa alinman ng 13 istasyon, kabilang ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta.


Facebook Comments