Tumauini, Isabela, Nakategorya sa Community Transmission ng DOH

13

Cauayan City, Isabela- Nakategorya na rin ng Department of Health (DOH) region 2 sa Community Transmission ang bayan ng Tumauini, Isabela makaraang makapagtala ng kabuuang 132 active cases batay sa pinakahuling datos ng ahensya.

Base sa panuntunan ng DOH, hindi na tukoy kung saan ang pinagmulan ng sakit kung kaya’t maraming pasyente ang nahawaan ng virus.


Batay sa datos ng DOH, nangunguna pa rin ang lungsod ng Tuguegarao na may 1, 025 active cases; sinundan Solano, Nueva Vizcaya na mayroong 221, sunod ang Cauayan City na may 188, Santiago City naman na may 123 habang sa Aparri, Cagayan ay nmayroong 108 at sa City of Ilagan na may 34.

Ang mga nabanggit na lugar ay nananatiling aktibo sa Community Transmission.

Samantala, pumalo na sa 778 ang naitalang kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 sa buong rehiyon dos.

Sa ngayon ay nasa kabuuang 36,894 ang mga naitalang tinamaan ng virus sa rehiyon habang 4,939 ang nananatiling aktibo.



Facebook Comments