TUMAUINI POLICE STATION, NAMAHAGI NG SERBISYO SA BRGY. SISIM ALTO

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang kapulisan ng Tumauini Police Station sa Brgy. Sisim Alto, Tumauini, Isabela.

Sa naturang aktibidad, nagkaroon ng pamamahagi ng grocery items at tsinelas, feeding program, libreng gupit, manicure at pedicure, at palaro.

Watch more balita here:𝗕𝗜𝗦𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜, 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔


Namahagi rin ang kapulisan ng manok, learning kits at dental kits bilang parte ng proyektong BUKLAT-MULAT, bilang tulong sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang lugar.

Bukod sa mga ito, nagsagawa rin ang mga kapulisan ng pag-aaral tungkol sa R.A. 9165, Anti- Bullying, Anti- Terrorism, at crime prevention tips para naman sa mga bata ng nasabing barangay.

Facebook Comments