TUMAYA | PRRD umaasa ding mananalo sa mahigit P800-M jackpot sa lotto

941

Manila, Philippines – Tulad ng maraming Pilipino na umaasa sa tsamba na baka manalo sa lotto ay nagbabakasakali din naman si Pangulong Rodrigo Duterte na manalo dito, ito ang ibinunyag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Umabot na kasi ngayon sa mahigit 800 milyong piso ang jackpot prize sa 6/58 o Ultra Lotto na ang bola ay gagawin bukas.


Sa interview kay Secretary Go ay sinabi nito na 18 combination ang pinatayaan ni Pangulong Duterte para sa bola bukas at mayroon aniya itong inaalagaang number combination at ang iba naman ay lucky pick.

Maging siya naman ay tumataya din aniya sa lotto at dalawang number combination naman ang kanyang pinatayaan.

Sinabi ni Go na 5 taon nang tumataya si Pangulong Duterte sa lotto mula noong ito ay mayor pa lamang ng Davao City at maging siya ay matagal na ring tumataya.
Sakali naman aniyang manalo ay sinabi ni Go bahagi ng premyo ay ido-donate niya sa Malasakit Center para mapondohan naman ang pamasahe ng mga magpapagamot sa mga ito.

Matatandaan na lumabas din sa balita na maging ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ay nakitang tumataya sa lotto.

Facebook Comments

From Advertisers