Sunday, January 18, 2026

Tumaya sa Tondo nakuha ang P210.7 milyon Grand Lotto prize

File photo

Nanalo ng P210.7 milyon jackpot prize ang nagiisang mananaya mula sa Tondo, Manila sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nakuha ng instant millionaire ang winning combination na 02-04-06-08-24-01. Tumaya ito sa Hermosa Street, Manuguit Tondo Manila.

Samantala, maguuwi ng P12,050 ang 12 taong nakamit ang 5 out of 6 winning numbers at P310 ang premyo ng mga nakasungkit ng 4 out of 6 na tamang numero.

Facebook Comments