TUMILAPON | Rider na may dalang iligal na droga, nabisto matapos bumangga sa patrol mobile sa QC

Manila, Philippines – Sugatan ang isang drug suspek matapos tumilapon sa windshield at pumasok sa loob ng mobile patrol nang bumangga sa sasakyan sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Ayon kay Police Superintended Joel Villanueva, Hepe ng Batasan Police Station, sakay noon ng motorsiklo ang suspek na si Elmer Madella, 40-anyos nang tumakas sa oplan sit.

Aniya, sa pagmamadali nito at bilis ng takbo hindi namalayan ng suspek ang mobile ng barangay sa Republic Avenue kanto ng Sto. Rosario Street.


Nang inspeksyunin ang bag ng suspek, tumambad sa mga otoridad ang P65,000 na halaga ng shabu at pera na higit sa P7,000.

Bagaman todo tanggi ang suspek, sinabi ni Villanueva na kasama si Madella sa drug watchlist ng lungsod.

Facebook Comments