TUMIRIK | MRT, 2 beses na tumirik kaninang umaga

Manila, Philippines – Dalawang beses nagkaaberya ang Metro Rail Transit (MRT) 3 kaninang umaga.

Alas-siyete ng umaga unang naitala ang pagtirik ng tren sa Boni Station northbound dahil sa signaling error.

Dahil dito, mahigit tatlong daang pasahero ang pinababa dahil sa aberya at pinasakay sa sumunod na tren.


Wala pang isang oras ang nakalipas nang muling magkaaberya ang MRT-3 sa Santolan station south bound kaninang 7:48 ng umaga.

Nasa anim na raang pasahero naman ang pinababa dahil sa electrical failure sa motor ng tren.

Ito na ang ikaanim na aberya na naitatala ngayong bagong taon sa mrt-3, kung saan halos 500,000 ang sumasakay araw-araw.

Facebook Comments