Manila, Philippines – Walong-daang pasahero ng Metro Rail Transit ang maagang naabala makaraang magka-aberya ang isa nitong tren.
Alas 7:41 kaninang umaga nang pababain ang mga pasahero na biyaheng Northbound sa bahagi ng Shaw Boulevard Station.
Electrical Failure sa motor ng tren ang dahilan ng pagpalya.
Agad din namang naisakay sa kasunod na tren ang mga pasahero makalipas ang dalawang minuto.
Facebook Comments