TUMULONG | China, nagpadala ng kanilang coast guard para tumulong na maialis ang sumadsad na BRP Gregorio del Pilar sa WPS

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan ang China sa Pilipinas hinggil sa pagtanggal ng Philippine Navy frigate na BRP Gregorio del Pilar na sumadsad sa hasa-hasa Shoal sa West Philippines Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying – batid na nila ang sitwasyon ay nagpadala na sila ng coast guard vessels sa lugar, partikular ang ‘Nanhaijiu 115’ na may kakayahan para sa maritime search and rescue.

Babala naman Asia maritime transparency initiative na posibleng mag – take advantage ang China sa sitwasyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng tulong sa Pilipinas.


Nabatid na naalarma ang Estados Unidos at mga bansa sa rehiyon kabilang ang pilipinas ay naalarma sa militarisasyon ng China sa pinagtatalunang teritoryo.

Facebook Comments