TUNAY NA BAYANI | OFW sa Jeddah, trending sa pagsagip sa may kapansanang arabong na-trap sa baha

Jeddah – Viral ngayon sa social media ang pagsagip ng isang OFW sa Jeddah sa arabong may kapansanan na na-trap sa baha habang sakay ng kanyang sasakyan.

Ayon sa OFW na si Saripada Dawood Balindong, hindi malapitan ng firefighters ang arabo dahil sa takot na makuryente lalo’t ang mga linya ng kuryente ay nakabaon lahat sa lupa.

Pinagbawalan rin raw siya ng firefighters na lumapit sa sasakyan.


Pero hindi na aniya siya nagdalawang isip na sagipin ang arabo lalo na nang hindi umabot ang itinapon na life jacket rito.

Umani naman ng papuri si Dawood kung saan iba’t ibang grupo na ang nagbigay sa kanya ng parangal at iniimbitahan pa raw siya sa mga eskuwelahan at ipinaalam na siya raw ay isang bayani.

Facebook Comments