TUNAY NA DAHILAN | DOLE, inaantay ang final result ng imbestigasyon ng pagkamatay ng 7 OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nais nitong malaman kung bakit at ano ang tunay na ikinasawi ng pitong OFW House Hold Service Workers na sinasabing nagpapakamatay sa Kuwait.

Ayon kay Bello wala pang linaw sa mga imbestigahan ginagawa ng mga Labor Attache sa Kuwait kaya hindi muna nila aalisin ang pagba-ban ng mga OFW patungo sa naturang bansa.
Paliwanag ng kalihim, masusi nilang inaalam ng husto kung anu-ano talaga ang tunay na dahilan ng kamatayan ng pitong OFW, kung ito ba umano ay dahil sa pagmamalupit ng kanilang mga employer o talagang nag-suicide dahil sa kalungkutan at depression.
Giit ni Bello naibigay naman umano ang resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng kanilang mga opisyal doon pero ang problema umano ay hilaw pa ang naturang pagsisiyasat kaya’t dapat ay antayin nalamang ang final result.

Facebook Comments