TUNAY NA DIPLOMA | Senator Ejercito, hindi kumbinsido na dapat isama ang college degree sa kwalipikasyon ng mga mambabatas

Manila, Philippines – Hindi kumbinsido si Senator JV Ejercito na kailangan ay nakapagtapos ng kolehiyo ang isang mambabatas para maging mahusay ang pagtupad nito sa tungkulin.

Reaksyon ito ni Senator JV Ejercito sa intensyon ng Consultative Committee na irekomenda na dapat college graduate ang mga tatakbong senador at kongresista.

Naniniwala si Ejercito na maganda ang intensyon ng consultative committee pero dapat aniyang bigyang konsiderasyon na may mga mambabatas na kahit hindi college graduate ay mahusay at epektibong nagagampanan ang kanilang trabaho.


Binigyang diin pa ni Ejericto na ang tunay na diploma ay ang karanasan sa serbisyo publiko.

Idinagdag pa ni Ejericito na sa nabanggit na patakaran ay mapagkaitan ang publiko na na mapagsilbihan ng mga mahuhusay na politiko kahit hindi nakatapos ng kolehiyo.

Facebook Comments