Makikita ang tunay na diwa ng kalayaan ay makikita sa bawat Pilipinong lumalaban araw-araw.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong araw.
Ayon sa pangulo, ang inspirasyon mula sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga ordinaryong Pilipino na nagtagumpay sa mga hamon sa pamamagitan ng sipag, tapang at lakas ang tunay na simbolo ng kalayaan.
Pinuri din ng pangulo ang mga katangian ng bawat Pilipinong mapagmahal sa kalayaan tulad ng mga magsasaka, mangingisda, guro at sundalo sa bansa na ang pakikipaglaban ay pareho sa kanilang mga ninuno.
Matatag aniya ang nasyonalismo ng mga Pilipino at ang pagkakaisa nito sa pagprotekta sa kalayaang ipinamana ng ating mga ninuno.
Samantala, hinimok naman ni Pangulong Marcos lahat na maging dedikado sa pagnanais ng isang ‘Bagong Pilipinas’ para sa mas magandang kinabukasan ng mga Pilipino.