TUNAY NA DIWA NG PAG-IBIG NGAYONG VALENTINE’S DAY, NAKASENTRO SA DIYOS — SIMBAHANG KATOLIKO

Sa nalalapit na Araw ng mga Puso, pinaalalahanan ng Simbahang Katoliko sa Saint John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City ang mga mananampalataya na ang tunay na pag-ibig ay nagmumula sa Diyos.

Ayon sa simbahan, nararapat lamang na ipagdiwang sa Valentine’s Day ang pagmamahalan ng mag-asawa at magkasintahan, subalit higit na mahalaga ang pagkilala na ang Diyos ang pinagmumulan ng wagas na pag-ibig.

Samantala, sa iba’t ibang paraan naman ipinagdiriwang ng mga Katoliko at deboto ang Araw ng mga Puso—ang ilan ay nakasentro sa Diyos, habang ang iba naman ay nakatuon sa pamilya at mga mahal sa buhay.

Hinihikayat ng simbahan ang mga mag-asawa at magkasintahan na palalimin pa ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng pananalangin at regular na pagsisimba tuwing Linggo.

Kaugnay nito, nagsagawa ng renewal of vows ang ilang mag-asawa noong unang Sabado ng Pebrero sa katedral bilang bahagi ng paggunita sa buwan ng pag-ibig.

Matapos ang selebrasyon ng Valentine’s Day, naghahanda na rin ang simbahan para sa paparating na panahon ng Kwaresma. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments