Tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte, pinapasapubliko ni Senator Lacson

Manila, Phjilippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson sa Malakanyang na isapubliko ang tunay na estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ayon kay Lacson ay para matuldukan na ang mga espekulasyon ukol sa kondisyon ni President Duterte.

Paliwanag ni Lacson, ang kalusugan ng Pangulo ng lahat ng bansa ay hindi isang pribadong usapin dahil dapat itong ipaalam sa mamamayan.


“The health of the President of any country is not his or his family’s private affair alone. It is a matter of public concern. Having said that, it behooves Malacañang to disclose the current state of health of the president if only to quell any speculation about his health,” ayon kay Lacson.

Sigurado naman si Lacson na mauunawaan ng taongbayan anuman ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Duterte dahil bukas ito sa lahat ng stress at pagod dala ng kaliwat kanang problema ng bansa.

Halimbawa aniya sa napaka stressful na tinutugunan ng Pangulo ang mga sundalong nasasawi na ibinabyahe ng military aircraft at ang kanilang nagluluksang pamilya.

“Anyway, they will surely understand that PRRD is presently exposed to all kinds of stress and physical exhaustion due to the numerous problems besetting the country,” dagdag pa ni Lacson.

Facebook Comments