Tunay na estado ng karapatang pantao at pamamahayag sa bansa, naipresenta ng pamahalaan kay UN Special Rapporteur Irene Khan

Kumpiyansa ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na naipakita nila kay UN Special Rapporteur Irene Khan ang tunay na record at estado ng kalayaan sa pamamahayag sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PTFoMS Executive Director Paul Gutierez na malaki ang naitulong ng pagbisita ni Khan sa bansa para maitama ang mga maling impormasyon at datos na nakakarating sa United Nations.

Sa katunayan aniya ay kinwestiyon ni Khan ang mga datos na iprinesenta sa kaniya dahil sa bilang ng mga insidente ng media killings sa bansa mula noong 1987, higit kalahati dito ang naresolba na ng gobyerno.


Kabilang na rito ang apat na kaso pagpatay sa mamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos, kung saan case closed na at natukoy na ang mga suspek.

Kinikilala naman aniya ni Khan ang kaniyang mga natanggap na impormasyon.

Sa 10 araw na pagbisita ni Khan sa Pilipinas, kumpiyansa si Gutierez na naipakita nila ang commitment at transparency ng pamahalaan hinggil sa freedom of expression and opinion.

Facebook Comments