Umaasa si Senate President Chiz Escudero na mababanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang tunay na kalagayan ng bansa.
Sa gitna ng preperasyon na ginagawa na ngayon ng Kongreso para sa SONA ng pangulo sa July 22, sinabi ni Escudero na tulad sa ating mga kababayan ay nais niyang marinig kung nasaan na ang bansa, saan galing at higit sa lahat ano ang direksyon na tutunguhin sa mga susunod na taon.
Dagdag pa ni Escudero, nais niya ring magbigay na ang pangulo ng listahan ng mga panukalang batas na nais niyang matutukan, mapagaralan at masuri ng Kongreso bago matapos ang third regular session ng 19th Congress sa 2025.
Ito ang unang SONA na magpe-preside si Escudero bilang Senate President kaya naman nagsasanay na rin siya sa dapat na gawin.
Bukod sa SONA ay pinaghahandaan na rin ng Senado ang sabayang pagbubukas ng sesyon Mataas at Mababang Kapulungan.