Tunay na kalayaan laban sa umaangkin sa ating teritoryo at sa mataas na presyo ng bilihin, hangad ng isang kongresista

Photo by Radyoman Emman Mortega

Kasunod ng pagdiriwang sa 126th Independence Day ay umaasa si AGRI Party-list Rep. Wilbert “Manoy” Lee na mararanasan ng bawat Pilipino ang tunay na kalayaan.

Para kay Lee, ito ang ay kalayaan laban sa mga umaangkin sa ating teritoryo at kalayaan laban sa sobrang taas na presyo ng pagkain at iba pang bilihin.

Binanggit din ni Lee ang kalayaan mula sa labis na hirap ng buhay, kalayaan mula sa takot o pangamba na may magkasakit sa pamilya dahil walang pambili ng gamot o pambayad sa ospital, kalayaan mula sa mga kurakot at kawalan ng hustisya sa hindi pantay na trato o turing sa mayaman at sa mahirap.


Paliwanag ni Lee, ang tunay na kalayaan ay kung saan pwedeng kumain nang sapat, pwedeng magkasakit na hindi mababaon sa utang o malulugmok sa kahirapan ang pamilya, at pwedeng asahan ang gobyerno na hindi pababayaan ang taumbayan.

Ipinunto ni Lee na kung agresibo ang ibang bansa, dapat ay mas agresibo tayo sa pag-develop at pagtatanggol ng ating teritoryo, para sa kapakinabangan ng ating local food producers at consumers.

Facebook Comments