Japan – Madaming nahuhumaling ngayon sa iba’t-ibang mga laro sa computer, maging sa cellphone. Kung minsan ang ilan ay nakikipagpustahan pa para lang kumita ng pera.
Pero alam niyo ba na may isang lalaking sa Japan ang gumastos ng 70,000 dollars o humigit kumulang sa apat na milyong piso para lang sa isang libreng laro!
Idinesenyo at pinaganda ng 31-anyos na si Daigo ang nasabing video game kung saan nakuha niya daw ang ideya ng laro sa isang kilalang software company sa mundo.
Ayon kay Daigo, masaya siya na nakikita na marami ang nagdo-download ng kaniyang design kahit na libre ito at kahit pa gumastos siya ng malaking halaga.
Hindi rin umano siya nanghihinayang sa perang nagastos dahil ang mahalaga ay masaya siya sa kaniyang libangan.
Facebook Comments