Manila, Philippines – Binanatan ni Presidential Spokesman Harry Roque si Senadora Leila De Lima.
Ito ay matapos makatanggap ang senadora ng rosaryo mula kay Pope Francis.
Ayon kay Roque – hindi alam ng Santo Papa ang tunay na katauhan ni De Lima.
Tugon naman dito ni De Lima, hindi siya kilala ni Roque at tigilan na aniya ang pagdedemonyo sa kanya.
Pero sagot ito ni Roque, hindi na kailangang alamin ang karakter ni De Lima at silipin lamang ang mga drug cases niya na base sa mga testimonya ng mga testigong may kredibilidad at matitibay na ebidensya.
Facebook Comments