TUNAY NA MOTIBO? | Cavite police, tinignan na ang anggulong crime of passion at pagnanakaw, sa pagpatay sa isang aktor

Cavite – Pinag-aaralan na ng pulisya ang motibong crime of passion at pagnanakaw sa pagkamatay ng actor na si Arnold Corpuz.

Una nang natagpuan ang bangkay ni Corpuz na nagtamo ng 43 saksak sa loob ng kaniyang bahay sa bayan ng Silang, Cavite.

Ayon kay Chief Inspector Resty Soriano, hepe ng Silang police, walang palatandaan na may force entry o sapilitang pumasok sa bahay kaya maaaring kakilala at kainuman pa ng aktor ang mga salarin.


Sabi ni Soriano, iniimbestigahan na din nila ang mga huling nakausap ng biktima sa facebook.

Nabatid na nawawala ang dalawang cellphone at ilang alahas ng biktima.

Facebook Comments