Cebu – Personal na atraso o kaya ay may koneksyon sa trabaho ang ilan sa
mga anggulo na tinitukan ng homicide section ng Cebu City Police Office sa
pag-ambush kay Bureau of Jail Management and Penology Deputy for
Administration Inspector Edwin Sarcon, kung saan nagtamo ito ng daplis sa
kanyang leeg.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa background ni
Inspector Sarcon dahil bago pa ma-asigned sa BJMP-7, nagsilbi itong jail
warden sa Talisay City Jail.
Si Sarcon, 53 anyos, tinambangan sa intesection ng M. Velez at V.Rama sa
Barangay Guadalupe Cebu City ng tatlong mamumuno.
Maliban kay Sarcon, may isang security guard nadamay na si Francisco
Almoradas , at isa pang sibilyan na dinala na sa Cebu City Medical Center at
nasa stable na kondisyon.