Nabigo ang Gilas Pilipinas sa kanilang unang tune-up game kontra Jordan sa score na 92-98.
Tumira ng 3-points si Forward Zaid Abbas sa huling yugto para makuha ang 94-85 abanse sa nalalabing 51 segundo ng laban.
Si Abbas din ang nanguna sa Jordan na may 24 points habang nagdagdag ng 18 points si Mousa al Awarin at 14 naman kay amin Abu Hawwas.
Nagtala naman ng 21 puntos si Christian Standhardinger para pangunahan ang Gilas.
May tsansa namang makabawi ang Gilas sa Miyerkules, Nobyembre 21 sa muling pagtutuos nila ng Jordan na bahagi ng serye ng kanilang mga tune up games.
Facebook Comments