TUNGHAYAN: Bestman, nag-ala bride sa kasal ng kaibigan

1069
(Image: Caters News Agency)

Isang nakakatawang eksena ang nangyari sa kasal ng isang lalaki nang mag-ala bride ang bestman nito sa mismong wedding day sa Little Creek Park sa South Charleston, West Virginia.

Kabado pang naghahanda ang groom na si Billy Hunt para sa unang sulyap sa kanyang bride sa araw ng kanilang kasal nang biglang sumulpot ang kanyang kaibigan suot ang puting gown.


Sa video na kuha ng Always Hope Creative, mapapanood ang paghahanda ng kaibigan nitong si Pat Jones sa tulong ng ilan pa nilang kasamahan para sa plano nilang gawin.

Sunod na matutunghayan na naglalakad papalapit kay Billy si Pat suot ang isang white wedding dress at nagpakuha pa ito ng litrato habang nasa likod ng groom.

Maya-maya ay magtatanong na si Billy kung pwede na niyang makita ang inaakala niyang kasintahan at laking gulat nito nang bumungad si Pat.

Kitang-kitang ang tawanan ng dalawa at mapapanood na napaupo pa si Billy kakatawa.

Ayon naman sa videographer na si Andrew Craig Stevens, nagmula raw sa bride ni Billy na si Sally Catherine Hunt ang ideyang ito.

“We were not in on it. It was the bride’s idea. I tried to stay calm and not give it away and to also keep the shot steady. The rest of the wedding was much the same, a lot of fun personalities and laughs,” aniya.

Sa huli ay makikita naman si Sally suot ang kanyang wedding dress papunta kay Billy.

Facebook Comments

From Advertisers