Tungkulin ng PNP sa eleksyon, tiniyak na magagampanan kahit magretiro ang PNP chief sa bisperas ng araw ng botohan

Tiyak na magagampanan ng Philippine National Police (PNP) ang tungkulin nito sa eleksyon kahit magretiro sa Mayo 8 si PNP Chief General Dionardo Carlos.

Sinabi ito ni Senator Ronald dela Rosa na dati ring namuno sa PNP.

Tiwala si Dela Rosa na walang magiging problema kahit magpalit ang liderato ng PNP sa bisperas ng araw ng botohan sa Mayo 9.


Binigyang-diin ni Dela Rosa na routine o pare-pareho lang naman ang gawain ng pulisya kapag eleksyon kaya siguradong magagawa ang kanilang tungkulin kahit magbago ang kanilang liderato.

Sa kabila nito ay naniniwala si Dela Rosa na makakatulong din kung papalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Carlos para hindi gaanong mabulabog ang pagpapatupad ng mga nakalatag nang plano at programa ng pulisya kaugnay sa halalan.

Facebook Comments