Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng militar sa mga ginagawang pagtugon ng gobyerno sa epekto ng climate change sa bansa.
Pahayag ito ni Climate Change Commissioner (CCC) Albert Dela Cruz sa harap ng panawagan nito sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno na maging katuwang ng kanilang ahensya sa paglaban sa epekto ng pagbabago ng panahon.
Ayon sa opisyal, ang uniformed personnel ang tumutulong sa mga komunidad na lubhang naaapektuhan ng extreme weather conditions epekto ng climate change at global warming.
Kinilala rin ng opisyal ang kontribusyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa pagresponde sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Partikular ang mga nasa vulnerable community, para mapanatili kaligtasan at seguridad ng mga komunidad sa harap ng malalang epekto ng climate change.