TUNGKULIN | Utos na pagpapaaresto o pagbaril sa mga armadong rebeldeng komunista, sakop ng kapangyarihan ng Pangulo

Manila, Philippines – Iginiit ng Malacañang na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pag-aresto o pagbaril sa mga miyembro ng komunistang grupo na may bitbit na armas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nahaharap sa kasong rebelyon ang anumang grupo na nag-aarmas at lumalaban sa estado at nambibiktima ng mga sibilyan.

Dagdag pa ni Roque, tungkulin ng Pangulo ng bansa na tuldukan ang ganitong mga iligal na aktibidad ng komunistang grupo.


Facebook Comments