Laking tulong para sa mga taga-quatro distrito ng Pangasinan ang isinagawang programang TUPAD ngng Department of Labor and Employment (DOLE), at sa pakikipagtulungan ng Office of the Fourth District Congressman.
Umabot sa 535 contract workers na San Fabianista ang itinakdang maglinis sa dalampasigan ng San Fabian nito lamang nakaraang linggo na kumikita ng 400 pesos kada araw sa ilalim ng nasabing programa.
Sa kabilang banda, binigyan ang solo parents bilang prayoridad na magtrabaho for ten days at kikita ng 4,000 sa loob ng sampung araw.
Samantala, 274 na kabataan naman ang binigyan ng trabaho sa pamamagitan ng Government Internship Program o GIP upang magtrabaho sa loob ng tatlong buwan sa mga munisipyo ng kanilang bayan o munisipalidad.
Ang mga kabataan ay galing sa quatro distrito gaya ng 68 mula sa Dagupan, 60 sa Mangaldan 56 sa San Fabian, 40 sa San Jacinto at 50 sa Manaoag.
Layunin ng mga nasabing programa na bigyan ng kabuhayan ang mga taga quatro distrito at magkaroon ng panggastos sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.

Facebook Comments