Natanggap na ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o TUPAD ang kanilang payout matapos ang sampung araw na pagtatrabaho ng mga ito sa mga itinalagang community service.
Nasa tatlong daan at tatlumpu’t-tatlo o 333 na mga Dagupeno ang tumanggap ng kabuuang halaga ng apat na libong piso o P4, 000.
Kasabay nito ang pagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ng profiling para sa karagdagang mga miyembro ng nasabing programa na kinabibilangan ng mga jeepney drivers, manlalako o ambulant vendors, at motorboat drivers/operators.
Samantala, malaking tulong umano ang natanggap na tulong pinansyal ng mga ito lalo na at kabilang sila sa nakaranas ng mataas ng pagsirit ng presyo ng langis noong mga nakaraang magkakasunod na linggo. |ifmnews
Facebook Comments