Cauayan City, Isabela- Naipamahagi na ng DOLE-Isabela Field Office (IFO) ang sahod ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa bayan ng Maconacon, Isabela.
Tinatayang nasa 200 ang nabenipisyuhan sa nasabing programa mula sa iba’t-ibang barangay ng Maconacon.
Ang kanilang natanggap na sahod ay katumbas ng kanilang pagtatrabaho sa loob ng 10 araw.
Pinangunahan nina DOLE-Isabela Chief Evelyn Yango at Executive Assistant IV Sunshine Mondoñedo, bilang representative ni Regional Director Joel M. Gonzales ang pamamahagi ng TUPAD kahapon, Nobyembre 27, 2021 kasama sina OIC-ARD Grace A. Pomar. Congressman Tonypet Albano at Mayor Ma. Lycelle Kate D. Vicente.
Facebook Comments