Nagpatupad ng reprogramming ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para gawin itong mas akma sa pagtugon ng pamahalaan ngayong pandemya.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga Local Government Unit (LGU) ay mangangailangan ng karagdagang contact tracers para sa kanilang anti-COVID-19 efforts.
Maaaring umpisahan ng mga LGU ang recruitment sa ilalim ng TUPAD program.
Ang application at processing ng contact tracer applicants mula sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng TUPAD ay magtatagal hanggang April 22.
Inabisuhan na ni Bello ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kahandaan ng DOLE na suportahan ang mga LGUs sa pag-hire ng contact tracers, lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ang TUPAD program ay ang emergency employment program ng DOLE para sa displaced o informal sector workers.
Nasa ₱231 million sa ilalim ng program ang inilaan para sa hiring ng contact tracers.