Saturday, March 28, 2026

TUPAD para sa mga driver na apektado ng oil price hike, isinasapinal pa — Malacañang

Isinasapinal pa ng pamahalaan ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program na ilalaan para sa mga pampublikong driver na apektado ng patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagpulong na ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang talakayin ang programa.

May nakatakda ring kasunod na pulong para plantsahin ang mga panuntunan at kung paano ito maipatutupad nang maayos sa mga benepisyaryo.

Sa ngayon, patuloy pa aniya ang deliberasyon ng pamahalaan para matiyak na maayos at epektibong maipatutupad ang tulong para sa mga apektadong driver.

Facebook Comments