TUPAD PAY-OUT, ISINAGAWA SA BAYAN NG QUEZON

CAUAYAN CITY- Pormal na dinaluhan ni Congressman Allan U. Ty ng LPGMA Partylist ang pamamahagi ng cash sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged (TUPAD) Program sa Alunan, Quezon, Isabela.

Ang aktibidad ay pinangunahan naman ni LGU Roxas PESO Manager Arnulfo Matias, kasama ang mga opisyal ng naturang bayan.

Ang naturang programa ay malaking tulong sa mga disadvantaged workers sa nasabing bayan kung saan siniguro naman ni Congressman Ty na magtutuluy-tuloy ang programang ito ng LPGMA sa bayan ng Quezon.


Facebook Comments