Isinagawa ang TUPAD Payout o pamamahagi ng sahod ng mga residenteng benepisyaryong sa ilalim ng programang TUPAD ng DOLE sa lungsod ng Alaminos.
Sa kabuuan, umabot sa 132 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang sahod mula sa iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig 3,700 pesos kapalit ng kanilang pagtatrabaho o paglilinis sa kani-kanilang mga barangay sa loob ng 10 araw.
Matatandaan na ang programang Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) ay programa ng Department of Labor and Employment katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng gobernador ng Pangasinan at ilang empleyado ng pamahalaang Panlalawigan.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa pangunguna ng alkalde ng lungsod na si Mayor Bryan Celeste, Field office head, PESO Manager Ma. Richelle M. Raguindin at DOLE-WPFO Darwin G. Hombrebueno. | ifmnews
Facebook Comments