TUPAD program, nais buhayin ng DOLE

Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na muling buhayin ang emergency employment program na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD.

Ayon kay Labor Undersecretary Joji Aragon, nais nilang gawing makabuluhan ang TUPAD program sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2, magkakaroon ng reconfiguration sa kanilang mga programa para malabanan ang pandemya.


Ang mga trabahong i-aalok sa ilalim ng programa ay contact tracers, data encoders, at occupational safety and health inspectors.

Sa huling datos ng DOLE, ang TUPAD Barangay Ko, Bahay Ko (BKBK) ay natulungan ang higit 300,000 manggagawa kung saan binigyan sila ng sahod katumbas ng minimum wage sa kanilang lugar sa loob ng 10 araw na disinfection at sanitation work.

Facebook Comments