You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

TUPAD program sa tatlong distrito sa Quezon City, sinuspinde ng DOLE

Sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) sa tatlong distrito sa Quezon City.

Layo ng TUPAD program na tumulong sa mga manggagawang nawalan ng hanap-buhay sa loob ng 10 araw at pagbibigay na rin ng minimum wage sa mga ito.

Kabilang sa mga barangay na nakitaan ng iregularidad ay ang Districts 1, 2 at 5.

Batay sa ulat, bumaba sa P2,000 ang dapat sanang P7,518 na matatanggap ng bawat benepisyaryo.

Tiniyak naman ng DOLE ang pakikipag-tulungan sa Local Government Unit (LGU) ng Quezon City upang makapagsampa ng kaukulang kaso sa mga may kinalaman sa nangyari.

Facebook Comments