TUPAD WORKERS SA BAYAN NG SAN MANUEL, TUMANGGAP NG SAHOD

Cauayan City – Natanggap na ng mga TUPAD beneficiaries mula sa bayan ng San Manuel, Isabela ang tulong pinansyal na para sakanila.

Umabot sa kabuuang 300 ang bilang ng mga benipesyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula sa nabanggit na bayan.

Ang tulong pinansyal na kanilang natanggap ay ang bayad sa kanilang ilang araw na pag ta-trabaho sa pampublikong lugar sa kanilang bayan.


Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng kaunting tulong ang mga benepisyaryo na kanilang magagamit sa kanilang pang araw-araw na gastusin at mga pangangailangan.

Samantala, dumalo naman sa nabanggit na programa si San Manuel Municipal Vice Mayor Hon. Temestocles A. Santos, Jr., kasama si Mr. Amado M. Santos Jr., Municipal Administrator ng nabanggit na bayan upang ipakita ang kanilang suporta sa programa at sa mga benepisyaryo.

Facebook Comments