TURISMO | Central Visayas, nakapagtala ng 6.9 million tourist arrivals noong 2017

Manila, Philippines – Mas dumami ang mga turistang bumisita sa Central Visayas noong isang taon.

Sa datos ng Department of Tourism (DOT), nakapagtala ng 6.9 million tourist arrivals mula January hanggang December 2017 ang Central Visayas kung saan mas mataas ito ng 17.13% o lagpas sa 6.3 million target na tourist arrivals.

Ang Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor ang may pinakamaraming turista kung saan pumalo ito ng 4 na milyon.


Kabilang naman ang Korea na may 895, 776 tourist arrivals sa Central Visayas na sinundan ng China 429, 306, Japan 408, 566 at USA 219, 796.

Isa sa mga nakikitang dahilan ang pagdami ng direct international commercial at chartered flights sa Cebu mula sa ibat ibang bansa kung kaya’t dumami ang mga foreign tourists.

Kasunod nito, tiniyak ng DOT na pagbubutihin pa ang kampanya upang mas maraming turista ang bumisita sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments