TURISMO | Mga turistang dumayo sa Intramuros sa katatapos lang na Semana Santa, umabot sa 1 milyon

Manila, Philippines – Pumalo sa isang milyong indibidwala ang nagtungo sa Intramuros ngayong Semana Santa.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, malaking tulong aniya ang mga inihandang aktibidad ng Intramuros para sa mga mananampalataya na dumayo dito noong Holy Week.

Ayon pa sa kalihim, mula noon World War II, ngayon na lamang ulit binuksan ang ilan sa mga simbahan na nasa loob ng Intramuros.


Dahil sa tagumpay na ito, ayon sa kalihim, lalo pa nilang isusulong ang mga Faith- based tourism sa buong bansa, upang mas maipakilala pa at mapagyaman ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino.

Facebook Comments