Turismo ng Iloilo City, apektado ng “most shabulized” tag ni Pangulong Duterte

Iloilo City – Apektado ang turismo ng lungsod ng Iloilo dahil sa “most shabulized” tag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan idinidiin nito ang alkalde ng lungsod na si Mayor Jed Patrick Mabilog na isa daw drug protector.

Sinabi ni City Tourism Officer Junel Ann Divinagracia na may ilang mga scheduled tours at conventions sa Iloilo City ang hindi na natuloy.

Ayon kay Divinagracia na nag-alala ang mga magulang ng mga mag-aaral na ipadala ang kanilang mga anak sa Iloilo para sa educational tour.


Sinabi pa nito na sayang talaga ang gaganapin sana na mga conventions dito sa lungsod ng Iloilo na hindi itinuloy dahil sa naturang isyu.

Matandaan na tinawag ng Pangulo na “most shabulized” at bedrock of illegal drugs ang Iloilo.

Facebook Comments