Ipinagmamalaki ng pamunuan ng Department of Tourism (DOT) na onti-onti nang sumisigla ang turismo sa bansa bunsod na rin sa patuloy na pagdagsa ng mga turista sa bansa.
Ayon sa DOT, umaabot na sa 1.4 million ang tourist arrival simula ng nagbukas ang turismo sa Pilipinas ngayon buwan ng Pebrero hanggang Setyembre ngayon taon kumpara noong taong 2021 na umaabot lamang sa 164,000 tourist arrival pinakamababang bilang sa kasaysayan.
Matatandaan noong taong 2019, pumalo sa 8.3 million tourist arrival sa bansa at noong 2020, umaabot lamang sa 1.4 million ang mga dumarating na turista sa bansa dahil na rin sa nararanasang pandemya.
Naniniwala ang DOT na unti-unting bumabangon na ang bansa sa nararanasang dagok noong pandemya kung saan halos lahat ng mga kompanya ay nagsasara na sa kanilang negosyo dahil sa nalulugi.
Umapila rin ang DOT sa mga Pilipino na bago lumabas sa ibang bansa para mag-travel ay tangkilikin muna ang ating sariling bansa dahil maraming mga magagandang tanawin sa Pilipinas na hindi pa napapasyalan ng mga Pilipino.