Turismo sa Batangas, tinututukan na rin ng DOT matapos maapektuhan dahil sa kaso ng missing sabungeros

Nakatutok na rin ang Department of Tourism (DOT) sa turismo sa ilang lalawigan ng Batangas.

Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap at pagrekober sa umano’y mga labi ng mga nawawalang sabungero na pinaniniwalaang itinapon sa Taal Lake.

Ayon sa DOT, naka-monitor na rin sila sa sitwasyon sa mga lugar na nakapalibot sa Lawa ng Taal.

Isa kasi sa mga sa pangunahing dinadayo ng mga turista sa Taal Lake ay ang pamamangka doon dahil natatanaw din ang bulkan.

Una nang sinabi ni Talisay Municipal Administrator Alfredo Anciado na panibagong dagok na naman ang kinakaharap ng sektor dahil sa retrieval operations sa kanilang lugar.

Hindi pa man umano halos nakakabangon ang industriya ng turismo sa lalawigan mula nang padapain ito ng pandemya at pagsabog ng Bulkang Taal.

Bahagya kasing bumaba ang tourist arrivals sa Talisay, na isa sa mga bayang nakapalibot sa lawa at ang ilan ay nagkansela na ng kanilang reservations at bookings.

Facebook Comments