Turismo sa City of Ilagan, Binuksan na sa Local Residents

Cauayan City, Isabela- Binuksan na ang tourist destinations sa City of Ilagan makaraang maipasailalim ang lalawigan ng Isabela sa quarantine status na Modified General Community Quarantine (MGCQ) simula Enero 1-31, 2021.

Ayon sa City Tourism Office, bukas lamang ang nasabing mga pasyalan sa mga local residents lamang ng lungsod at hindi pa sa ngayon maaaring pasyalan ng iba magmumula sa labas ng siyudad.

Kaugnay nito, nagpaalala pa rin ang tanggapan na sundin ang health protocols sa pagbisita sa iba’t ibang tourism sites sa lungsod upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus.


Magtatagal ang nasabing tourism visit hanggang katapusan ng buwan ng Enero simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para naman sa mga bibisita ay mangyaring makipag-ugnayan sa numerong 09357011586.

Facebook Comments