TURISMO SA LA UNION, MAS PINALALAKAS

Mas pinalalakas ang sektor ng turismo sa La Union sa pagtalima sa digitalization at pagtugon sa mga isyung kailangang solusyunan.

Pinagpulungan ang pagsasabatas ng La Union Provincial Tourism Code para sa moderno at nagkakasundong turismo sa buong lalawigan, paggamit ng PASYAR Digital Tourism App at Green Tourism Program.

Tinalakay din ang pangangailangan ng kaukulang pondo bilang paghahanda sa mga pampublikong imprastraktura na planong gawing may tuloy tuloy na suplay ng tubig, walang brown out at diretsong wifi service sa tourism peak partikular tuwing Nobyembre hanggang Hunyo.

Tiniyak naman ang kaukulang pagsasabatas ng ilang ordinansa at programa para sa kaunlaran pang turismo ng La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments