Cauayan City, Isabela-Pinaghahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang muling pagbubukas ng turismo sa probinsya sakaling magbalik sa normal ang sitwasyon ng bansa sa nararanasang krisis dahil sa coronavirus 2019.
Sa isinigawang press briefing, sinabi ni Governor Dakila Carlo ‘Dax’ Cua na napapanatili pa rin ang pagsasaayos sa lahat ng mga tourist destination sa lalawigan upang magig kaaya-aya pa rin para sa mga bibisitang turista.
Aniya, sakaling muling magbukas ang turismo sa probinsya ay bubuhusan ito ng pansin para mapanumbalik ang nawalang turismo dahil sa pandemya.
Tuloy-tuloy rin ang paglalaan ng pondo para sa konstruksiyon ng mga tourism site na siyang magiging kapakinabangan sa pagpapanitili ng magagandang tanawin sa buong probinsya.
Ipinagmalaki din ng opisyal ang ilang pasyalan gaya ng ‘Quirino Water Sports Complex’ dahil sa natatanging wake boarding.
Kilala rin ang probinsya ng Quirino dahil sa pagkakaroon ng maraming waterfalls sa Bayan ng Maddela, ipinagmamalaking Governor’s Rapid na dinarayo rin ng mga ilang kilalang artista.