Lalo pang pinalalakas sa Lingayen ang sektor ng kanilang turismo sa pamamagitan ng pagsuporta at pagpapakilala sa mga lokal na produktong gawa ng mga residente.
Ipinakilala ng mga exhibitors mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ang kanilang mga produkto sa isinagawang Tourism Fair.
Itinampok ang mga pagkain o delicacies, handicrafts, artisanal goods, at mga gawang bahay na produkto.
Ang nasabing aktibidad ay nagpapakilala sa mga micro, small, medium entrepreneurs sa bayan at ang kanilang produkto sa mas malawak na merkado.
Facebook Comments









