TURISMO SA PANGASINAN TUMAAS NG 80%

Muling sumigla ang sektor ng turismo sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng pagluwag sa restriksyon at dami ng mga indibidwal na nababakunahan na.
Sa tala ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office Pangasinan, nakapagtala sila ng 3.5 Million na turista sa probinsya simula pa noong Enero hanggang Hulyo ngayong taon, mas mataas ng 80% kaysa noong 2021 kung saan nakapagtala lamang sila ng 691,901.
Ayon kay PTCAO Head Maria Luisa Amor-Elduayan, sa kanilang datos mas marami paring turista mula sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan at lalawigan ang nagpupunta sa mga pasyalan dito sa probinsya.

Dagdag nito, ilan sa mga turistang mula sa ibang bansa ay gaya ng mga bansang Canada, United states, India, Singapore, Saudi, Korea at iba pa.
Samantala, ang limang tourist spots na binibisita sa probinsya ay ang bayan ng Manaoag, Bolinao, Alaminos City, Lingayen at Natividad. | ifmnews
Facebook Comments