Turismo sa Pilipinas, balik na sa normal dahil sa katatagan at talento ng mga Pilipino ayon kay PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na back on track na ang turismo sa Pilipinas matapos ang dalawang taong pandemya.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pagdalo nito sa culminating activities sa Masskara Festival sa lungsod ng Bacolod kahapon.

Sinabi pa ng pangulo ang pagbabalik sa normal ng turismo sa bansa ay dahil sa katatagan at talento ng mga Pilipino.


Ayon sa pangulo, matindi ang sinapit ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic pero nakayanan ito ng mga Pilipino na ngayon ay patungo na sa recovery ang buong bansa.

Sinabi pa ng punong ehekutibo na ang Masskara Festival ay isang grand celebration sa mga taga-Bacolod na magsisilbing paalala sa lahat ng Pilipino na ang lahat ay magkakaroon ng oportunidad sa muling pagbangon ng turismo sa buong Pilipinas.

Samantala, tema ngayong taon ng ika-43 taong Masskara Festival ng Bacolod City ay ang “Balik Yuhum” na ang ibig sabihin ay ngumiting muli.

Facebook Comments