TURISTA MULA ILOILO CITY NAWAWALA, MATAPOS MALUNOD SA BINMALEY BEACH

Patuloy pa ding pinaghahanap ang isang bente-dos anyos na turista matapos itong malunod sa Binmaley Beach.
Hanggang ngayon ay hinahanap pa din ang biktima na si Angelo Borda, residente ng Iloilo City, matapos itong tangayin ng malakas na alon habang naliligo sa Binmaley Beach sa bahagi ng Brgy San Isidro pasado alas otso ng umaga.
Nakikipag ugnayan na ang hanay ng MDRRMO sa mga kalapit na mga counter agencies maging sa PDRRMo para sa agarang pag kakahanap sa katawan nito. |ifmnews
Facebook Comments