Turkey at ilang Greek Islands, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol

World – Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang western coast ng Turkey at ang Greek Islands ng Lesbos at Chinos.

Ayon sa European-Mediterranean Seismological Center (EMSC), ang epicenter ay naitala 84 kilometro hilagang kanluran ng Izmir, ang Coastal City ng Turkey.

Ilang kabahayan ang nasira pero wala pang naitatalang casualty.


Patuloy naman ang ginagawang pag-assess ng mga otoridad sa pinsalang dulot ng nasabing lindol.
DZXL558

Facebook Comments